Tuesday, May 22, 2007

Huwag Ka Nang Umasa.
pondered last 6:19 PM

Ito ang installment ng aking dating post. Yung "Malayo Ba Ang London?". Kung hindi niyo pa nababasa't gusto niyo basahin, pakiclick na lang yung link or pakihanap sa archives.xD

Pagpasensyahan na kung mahaba at may typos.

Of course, concept's still taken from Callalily's "Magbalik". To set the mood, kung may mp3 kayo ng Magbalik, i-stop niyo yung bgm nito tapos i-play niyo yun.xD

Game.

"Huwag Ka Nang Umasa."


Ako si Louise. Sa London ako nakatira ngayon. Bakit ako marunong magtagalog? Kasi pinanganak ako sa Pilipinas pero lumipat kami dito nung walong taong gulang pa lamang ako. Matagal ko na siguro kasi hinahanap-hanap yung simoy ng hangin sa damuhan... yung mga pang-aasar sa akin... yung malaking talon na pinakita sa akin ng isang kaibigan ko noon...

Laking gulat ko na lang nang sinabi ni daddy na makikita ko na ulit lahat yun. Uuwi na kami. Regalo niya raw sa akin yun para sa aking kaarawan. Alam nilang miss na miss ko na ang Pilipinas e.

Sa lahat ng mga namiss ko sa Pinas, yung isa kong kaibigan yung pinakamatimbang. Siya lang naman halos yung naging kaibigan ko noon. Yung iba kasi, parati akong inaasar. Di ko naman alam kung bakit. Kapag ginagawa nila yun, eto si kaibigan to the rescue. Aawayin na lang niya bigla. Tanda ko rin dati, parati kaming naglalaro ng mga laruan namin noon. Ang lungkot nga lang, sira-sira na yung Barbie ko ngayon. Di na ulit kami makakapaglaro. Meron pa e. Dati natatandaan ko, dinala niya ako sa waterfalls doon sa bayan namin. Hinalikan ko nga siya noon e. Hahaha!

Gusto ko kasi siya dati. At mukhang... hanggang ngayon ganun pa rin. But sadly, I forgot his name.

Nang kami'y nag-iimpake, may nakita akong isang notebook na di ko pa nabubuklat kahit kailan. Nakalagay siya doon sa isang kahon na tinadtad ng mga gamit ko dati nang kami'y nakatira pa lamang sa Pinas. Binuklat ko ang mga pahina hanggang makarating ako sa isang pahinang punong-puno ng pangalan ko. Binuklat ko nang binuklat. Bawat buklat ko, may nakita akong babaeng nakaguhit. Lahat yun, iisang tao lang. Lahat yun, nakakorte sa mukha ko.

Hanggang sa makarating ako sa huling pahina. Nakita kong may iba nang nakalagay. Hindi na mukha ko, kundi isang sulat na may nakadikit na isang tuyong bulaklak.

Louise,

Kamusta? Siguro di mo 'to napansin 'no? Natatandaan mo ba nung pumunta tayo sa talon noon? Noong gabi nun, pinabilin ko sa katulong ninyo na ilagay 'to sa mga gamit mo. Alam ko namang hindi ka nag-aayos ng gamit mo kaya siguro kung mabasa mo 'to, nasa London ka na (kung saan man yun). Sumulat ka sakin kapag nabasa mo na 'to a. Aasahan ko yun ngayong taon.

Malamig ba dyan sa London? May snow ba? Anong lasa noon? Sabihin mo lahat sa akin kapag susulat ka na a!

Alam mo, magiging malungkot dito ngayon kasi wala ka na. Pero ayos lang yun. Mabuti nga nakasama pa kita doon sa talon. Parati ko yung bibisitahin kasi lugar natin yun. Kaya kapag nandoon ako, wala akong rason para maging malungkot.

Magbabalik ka naman siguro diba? Hihintayin kita.


Ang iyong kaibigan.


Lagot ako. Hindi ko siya nasulatan ulit. Ano kaya ang sasabihin niya kapag nagkita kami? Magagalit ba siya kasi di ako nakasulat? Malalaman ko na lang siguro yun.

Sumakay na kami ng eroplano't hindi ko pa rin matanggal sa isip ko kung ano ang gagawin ko kapag nakita ko siya. Parang, what would he think of me now? Aakalain ba niyang kinalimutan ko na siya? Matatandaan pa ba niya ako? Kahit nang nakarating na kami, ganun pa rin ang iniisip ko. At mas lalo na nang kami'y dumating na sa bayan namin. Paano na 'to...

Paglabas namin ng kotse, maraming pamilyang taga roon na bumati sa amin. Isa na sa mga yun ang pamilya ni... ni... ng kaibigan ko. Namukhaan ko agad sila kasi matagal silang nagtrabaho para sa pamilya namin. Akala ko kumpleto silang sumalubong, pero napansin kong may kulang. Si... ano. Basta siya.

Tinanong ko ang kanyang nanay kung nasaan siya. Hindi niya raw alam kung saan siya lumaboy. Basta nang sinabi niya na dadating ang pamilya namin ngayon, bigla na lang daw siyang tumakbo sa kawalan. Umaga pa raw siya nawawala. Tumakbo na ako pagkatapos sabihin sain para hanapin siya. Iniwan ko muna ang pamilya ko dun.

Ano bang meron...

Hinanap ko siya sa damuhan, wala. Malapit sa bahay namin, wala. Sa parke, wala. Siguro nasa bahay nila. Kaya pinuntahan ko. Wala siya doon, pero may iba akong nakita. Nakakita ako ng isang litrato naming dalawa sa kwarto niya. Nakatalikod yun. Kinuha ko tapos napansin ko na may nakasulat.

Alam mo naman siguro kung nasaan ako Louise. Maghihintay ako.

Binaliktad ko yung litrato pagkatapos nakita ko na kinuha yung litrato na yun sa may waterfalls malapit dito. Nakahalik ako sa pisngi niya sa litratong yun. Tandang-tanda ko pa yung araw na yun. Pero yung pangalan niya di ko matandaan.

Bigla kong naisip, "Ay tanga! Sa talon!"

Tumakbo ako papunta sa ilog. Naghanap ako ng balsa, pero wala akong nakita. Kaya linakad ko yung gilid ng ilog. Nakakainis, maputik. Pero konting tiyaga lang, sabi ko sa sarili ko. Di nagtagal, narinig ko na ang pagbuhos ng tubig. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko hanggang sa nadapa ako. Putik-putik na nga ako e. Biglang may nakita akong kamay na nakaabot sa akin. May nagsalita bigla.

"Kailangan mo ba ng tulong, Louise?"

Pamilyar ang mukha niya sa akin. Ang maikli niyang buhok, ang kayumanggi niyang balat, ang makinis na magaspang niyang palad... Naalala ko na.
"Kevin, hindi ba?"
"Akala ko kinalimutan mo na ako."

Hinatak niya ako papunta sa waterfalls. Ang higpit ng paghawak niya sa mga kamay ko. Dapat nga nasasaktan ako. Pero... hindi e. Natuwa pa nga ako. 'Di nagtagal ay nakarating kami doon sa lugar kung saan kami kinunan ng litrato. Kung saan ko siya hinalikan noong kami'y bata pa lamang. Nag-usap-usap kami tungkol sa mga nangyari sa aming dalawa pagkatapos ko umalis ng Pilipinas. Ang dami kong naikwento sa kanya. Tinanong ko siya kung ano naman yung nangyari sa kanya.
"...Nakahanap ako ng iba."

Nagulat na lang ako nang sinabi niya yun. Parang, nagunaw yung mundo ko sa mga salitang iyon. Akala ko ba naghintay siya...?

Tinanong ko siya kung bakit. Sinabi niya kasi raw inakala niyang hindi ko na siya gusto kasi hindi ako sumulat sa kanya. Hindi ko na nasabi na nung isang araw ko lang nakita yung sulat nia sa akin. Naisip kong, gusto ko pa rin siya mahalin. Umaasa akong magbabalik siya balang araw.

"Maghihintay ako.", sabi ko.

Natahimik ang paligid. Ang pagbuhos na lang mula sa talon halos ang naririnig.

"Huwag ka nang umasa."

Naikwento niya na may iba na siyang babaeng tinitignan. Hindi na ako. Pero malabo raw na maging sila. Hindi naman siya gusto nung babaeng yun tulad ng paggusto niya sa kanya. Pero umaasa pa rin siyang maging sila.

Nalungkot ako. Pero ayos lang yun. Alam kong malapit na ako sa kanya ngayon. Hindi imposibleng magbalik yung pagggusto niya sakin. Basta magihintay ako hanggang sa dumating ang araw na yun.

Babalik din ang "kami". Umaasa ako.





Permalink ::

Sunday, May 13, 2007

mothers are the ultimate providers.:)
pondered last 6:29 PM

Akalain mo nga namang mother's day ngayon. Una sa lahat, maligayang araw ng mga ina sa lahat, lalo na sa mga nanay, stepnanay, at mga ina-inahan natin. :) Dedicated sa kanila 'tong post na 'to.

Maraming itinatawag sa kanila. Kahit nanay, ina, inay, mama, mommy, mother dearest, stepmother, mommeh o kung ano pa yan, nanay pa rin natin sila. Ganun pa rin yung part nila sa buhay natin.

Eto pa. Kahit anong trabaho ng iyong inay, maging mananahi man, big-time boss ng kung-anong kompanya, kandidato sa pagiging senador, O.F.W., doktor, accountant, simpleng housewife o kung ano man, nanay pa rin natin sila. Kung tutuusin, mas nagiging bukod-tangi sila dahil sa mga napapasok nilang mga "venture" para lang matulungan si itay mapakain ang buong pamilya.

Ang ating mga ina, kasama ng ating itay, ang naging kasama sila natin sila mula sa simula. Walang tigil na pag-aaruga ang ibinigay nila noong tayo'y bata pa lamang hanggang ngayong mayroong mga sariling kotse, love life at kung anu-ano pa. Sila ang mga nagsilbing guro nang tayo'y di pa tayo pumapasok sa paaralan. Siya ang nagbibigay ng lambing sa atin kapag wala si itay o kapag tayo'y malungkot. Sila ang ilaw ng ating tahanan.

Andiyan lang sila kapag may problema ka't di ka nila iiwan. Kahit minsan siya yung rason kung ba't ka may pinoproblema, hindi naman ibig sabihing di ka na niya na mahal diba? Siguro hindi lang nagkakaroon ng pagkakaintindihan. Pero kahit anong mangyari, hindi mawawala ang pagmamahal ng isang nanay sa kanilang anak.

Kahit minsan ay parati ka nilang hinahadlangang gumawa ng mga bagay, di rin ibig sabihing hindi ka niya mahal. Siguro ganoon lang ang nangyayari kasi ayaw ka niyang masaktan. Ewan ko kung tama nga yun, pero sa tingin ko ganoon yun. At saka, kahit madalas kang nasisigawan, di naman rin ibig sabihing galit sila. Kung gaano kalakas yung pagsigaw niya sayo, ganoon din kagrabe ang pagmamahal niya sa iyo.

Basta, they're great.

Happy Mother's Day everybody. :)





Permalink ::

Tuesday, May 8, 2007

parang .zip file.XD
pondered last 7:10 PM

Ang dami kong naisip na i-post dito since nung araw na nawala ako bigla. Lahat naka-draft tuloy kasi di ako sure sa mga pinagsasabi ko sa mga yun tapos yung ilan dun mga wala lang. Kaya i-co-compress ko na lang yung mga yun sa isang post.

1. "How useful is your hair?"
Naisip ko 'to kasi tinanong ako kung gusto ko ba raw magpagupit.XD Kasi naman diba, ang dami naman talagang gamit ng buhok e. Isa na yung pampaganda. Ito nga naman yung "crowning glory" natin diba? Marami kasing kung anong design yung pwede mong gawin sa buhok diba? Tulad sa banner nitong blog ko, naka-"Goldilocks" thingy siya. Mas napaganda pa yung itsura nung babae diba? Pamprotekta rin siya sa init at lamig. Lalo na kung nakatira ka sa mga lugar na may freakishly high or low temperatures. Bukod sa mga nasabi ko, marami pa. Pwede siyang unan, pencil holder (special talent ng mga kulot XD), laruan, at naaapakarami pang iba. Hair = <3

2. "Paano kapag..."
...bumibili ka ng juice sa isang mall tapos nararamdaman mong may magnanakaw na sa likod mo, kukuhanan ka na sana ng bagay galing sa bag mo? Ano gagawin mo? Di ko kasi alam kung ano gagawin sa mga sitch na ganun.
Nangyari sakin yun nung Wednesday. Bumibili ako dun sa isang fruit shake stand sa SM Bacoor. May body bag ako nun na dala. Tapos nakalagay sa likod ko. Naramdaman ko na lang bigla na parang may bumubukas na zipper. Mabagal lang. Lumingon ako sa likod ko. Nakita ko may babaeng lumayo bigla sa akin. Tapos biglang umalis. May medyo bukas nga na zipper. Thank goodness walang nakalagay sa pocket na yun.:)) And thank God walang nanakaw.:)

3. "Finally."
Diba masaya kapag meron kang bagay na hinihintay for a looong time pagkatapos one day bigla ka na lang nasabihan na "O, ayan na yung bagay na hinihintay mo. Magdiwang na!"? Pero usually kung mangyari nga yun, may catch. Yun lang yung downside dun e. Kunyari, involved ka sa isang long-distance relationship tapos naging kayo habang napakalayo niyo sa isa't isa... ang magiging problema, hindi kayo magkikita. Magtiyatiyaga ka sa boses, messages at mga litrato. Pero worth it naman e. Kahit medyo may kahirapan nga, siguradong may makukuha ka rin in return.

4. "Another step closer to total manhood."
Hindi tuli yung ibig sabihin ko diyan a.:)) Isa na ring factor yung pagkakaroon mo ng una mong girlfriend, kahit anong edad ka man. In my opinion, through that, pinapractice mo yung pagkakaroon ng responsibility. Mas matututo ka rin ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay, diba? Tapos, mas magiging malakas ka. And you get to do all that and more with the girl you love. :)) Ang lanjot.XD Pero totoo naman diba? You get a lot from being involved in a relationship.

'Til next time.





Permalink ::

Thursday, May 3, 2007

response.
pondered last 3:40 PM

"Problems don't come just to trouble us. Just like choices, they are part of our journey. But they don't just make you feel bad. It teaches you lessons; something like being stronger emotionally."

This is a piece from something a very close friend of mine wrote. And, no duh, it's about a problem that my friend once experienced.

Well, anyway...

Problems. Situations which gives us more stability in life. Yes, stability. People would usually say that problems aren't that beneficial in our everyday lives, that they only disturb us and keep us from doing things that we want to do. A lot would usually agree with their statements.

But I think that that isn't really right.

Sure, it CAN ruin anyone's day. But if it wasn't for problems popping out of nowhere, we wouldn't be here right now. Problems might be pests, but they teach us a lot about what we should do next time to avoid these kinds of obstacles and they make us become a lot smarter by making us think of solutions so that these problems would go *poof!*.

Why do many couples last lots of years together even though they also experience having problems? It's because they try to find ways around 'em. And why do billions of people walk around the earth today? It's because we had, have and will have problems that we'd eventually solve, adding more knowledge about how life works and how we could improve it.

We just have to take that risk... respond... or something.





Permalink ::

Tuesday, May 1, 2007

your typical love story
pondered last 6:18 PM

We see, read, and hear about love stories in books, television sets, newspapers, radios, blog posts, etc. Every single story alike in aspects such as lovers, conflicts, get-togethers, whatever. Usually stories that we see, read, or hear about in said everyday items are fictional... just a figment of someone's wide imagination. But who would've thought that one soon-to-be-couple would have a love story similar to the ones seen in t.v. dramas and all that?

Before January... 29 (I think), the two were still living ordinary, teenage lives. They haven't got a clue on who that person who they would love was. I can't tell their names, as I swore to keep their names a secret. (huwaw, antaray.XD)

They didn't meet each other in person. Instead, they met here on the internet. The boy saw the girl's blog. He saw her picture there. He said, "Wow, she's pretty cute. Maybe she won't mind being my friend or something..." He tagged on her tagboard, then he soon found out that she went to his blog as well. For weeks, they talked in both of their tagboards about their blog posts. And it didn't take long until the boy asked for the girl's e-mail address. Since then, they talked through instant messaging.

In just weeks, the boy's feelings for the girl grew. You could say that it's love at first sight. But technically, it isn't. Well, anyway, when it was his birthday, he decided to tell her. He thought she'd say the same. But when it came to the time that he told her, he became disappointed. It turns out that she doesn't feel the same.

But he waited...

Until one morning, he received a text message, telling him that... she kinda likes him too. He jumped out of bed out of happiness.

They had a smooth relationship with each other. But the girl doesn't really love the boy. She just had a crush on him that time, I guess. The boy was aware of that, but wasn't really sure. That's why they had problems with each other often. He always tried to ask the girl if she already loves him. Everytime she asked, she'd say "Natatakot pa ako..." and everytime she said that, he'd try harder to impress her more.

It didn't take long until he got a text message telling him that if he considers things like never forgetting about the one you love, always thinking about him or her every night and all that, then yeah, she already loves him.

Since then, they were inseparable. They escaped all the obstacles that came their way. After all that, they were given a chance to finally meet in person.

Not long ago, they met in some gathering. It was like a dream come true for the both of them. Sadly, it didn't last long. And they still had a lot of problems to face during that time. But still, it was worth it. At least they had the chance to hug each other... and at least one of 'em got to kiss the other person. :)

Maybe this isn't the greatest story ever told, or the story that shook the masses. But hey, it's your typical love story. And yeah, it can happen to anybody... or something like that.


There's more to the story than all of the things I said here. Baka sabihin niyong ang weird ng takbo e.XD





Permalink ::



so far away...
pondered last 2:23 PM

I'm going public again.:)

New layout, new everything.

Maraming salamat talaga sa mga taong bumuo ng La Salle CCS Summer Camp. Miss ko na agad kayong lahat. :)) Reunion na kasiiii...XD

Later na lang yung formal na post. Lyrics na muna.:) Eto rin yung background music ng blog ko. So you could sing along if you want.XD

So Far Away
Bamboo


So far away
Doesn’t anybody stay in one place anymore
It would be so fine to see your face at my door
Doesn’t help to know that you’re just time away

Long ago I reached for you and there you stood
Holding you again could only do me good
How I wish I could, but you’re so far away

One more song about movin’ along the highway
Can’t say much of anything that’s new
If I could only work this life out my way
I’d rather spend it bein’ close to you

But you’re so far away
You’re so far away (:c)

Travelin’ around sure gets me down and lonely
Nothin’ else to do but close my mind
I sure hope the road don’t come to own me
But there’s so many dreams
I’ve yet to find

But you’re so far away
Doesn’t anybody stay in one place anymore
It would be so fine to see your face at my door
And it doesn’t help to know, it doesn’t help to knowIt doesn’t help to know

You’re so far away





Permalink ::

- March 2007
- May 2007
- August 2007
- September 2007
- November 2007
- January 2008
- the current posts



- Lala
- Rowen
- Alyanna
- Macha
- April
- Memesh
- Muryelle
- Mark
- Francine
- Moshi
- Joshua
- Mara
- Christine Casio
- Christine Crisologo
- 'te Glenda
- Fiona
- Rizza
- Mr. Talksmart
- Ituloy Angsulong
- XYRYZ
- Coy
- Yatot
- Ate Ko
- Vin
- Kellecker
- Janette Toral
- Elay