Tuesday, May 8, 2007
parang .zip file.XD
pondered last 7:10 PM
Ang dami kong naisip na i-post dito since nung araw na nawala ako bigla. Lahat naka-draft tuloy kasi di ako sure sa mga pinagsasabi ko sa mga yun tapos yung ilan dun mga wala lang. Kaya i-co-compress ko na lang yung mga yun sa isang post.
1. "How useful is your hair?" Naisip ko 'to kasi tinanong ako kung gusto ko ba raw magpagupit.XD Kasi naman diba, ang dami naman talagang gamit ng buhok e. Isa na yung pampaganda. Ito nga naman yung "crowning glory" natin diba? Marami kasing kung anong design yung pwede mong gawin sa buhok diba? Tulad sa banner nitong blog ko, naka-"Goldilocks" thingy siya. Mas napaganda pa yung itsura nung babae diba? Pamprotekta rin siya sa init at lamig. Lalo na kung nakatira ka sa mga lugar na may freakishly high or low temperatures. Bukod sa mga nasabi ko, marami pa. Pwede siyang unan, pencil holder (special talent ng mga kulot XD), laruan, at naaapakarami pang iba. Hair = <3
2. "Paano kapag..." ...bumibili ka ng juice sa isang mall tapos nararamdaman mong may magnanakaw na sa likod mo, kukuhanan ka na sana ng bagay galing sa bag mo? Ano gagawin mo? Di ko kasi alam kung ano gagawin sa mga sitch na ganun. Nangyari sakin yun nung Wednesday. Bumibili ako dun sa isang fruit shake stand sa SM Bacoor. May body bag ako nun na dala. Tapos nakalagay sa likod ko. Naramdaman ko na lang bigla na parang may bumubukas na zipper. Mabagal lang. Lumingon ako sa likod ko. Nakita ko may babaeng lumayo bigla sa akin. Tapos biglang umalis. May medyo bukas nga na zipper. Thank goodness walang nakalagay sa pocket na yun.:)) And thank God walang nanakaw.:)
3. "Finally." Diba masaya kapag meron kang bagay na hinihintay for a looong time pagkatapos one day bigla ka na lang nasabihan na "O, ayan na yung bagay na hinihintay mo. Magdiwang na!"? Pero usually kung mangyari nga yun, may catch. Yun lang yung downside dun e. Kunyari, involved ka sa isang long-distance relationship tapos naging kayo habang napakalayo niyo sa isa't isa... ang magiging problema, hindi kayo magkikita. Magtiyatiyaga ka sa boses, messages at mga litrato. Pero worth it naman e. Kahit medyo may kahirapan nga, siguradong may makukuha ka rin in return.
4. "Another step closer to total manhood." Hindi tuli yung ibig sabihin ko diyan a.:)) Isa na ring factor yung pagkakaroon mo ng una mong girlfriend, kahit anong edad ka man. In my opinion, through that, pinapractice mo yung pagkakaroon ng responsibility. Mas matututo ka rin ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay, diba? Tapos, mas magiging malakas ka. And you get to do all that and more with the girl you love. :)) Ang lanjot.XD Pero totoo naman diba? You get a lot from being involved in a relationship.
'Til next time.
|