Sunday, May 13, 2007
mothers are the ultimate providers.:)
pondered last 6:29 PM
Akalain mo nga namang mother's day ngayon. Una sa lahat, maligayang araw ng mga ina sa lahat, lalo na sa mga nanay, stepnanay, at mga ina-inahan natin. :) Dedicated sa kanila 'tong post na 'to.
Maraming itinatawag sa kanila. Kahit nanay, ina, inay, mama, mommy, mother dearest, stepmother, mommeh o kung ano pa yan, nanay pa rin natin sila. Ganun pa rin yung part nila sa buhay natin.
Eto pa. Kahit anong trabaho ng iyong inay, maging mananahi man, big-time boss ng kung-anong kompanya, kandidato sa pagiging senador, O.F.W., doktor, accountant, simpleng housewife o kung ano man, nanay pa rin natin sila. Kung tutuusin, mas nagiging bukod-tangi sila dahil sa mga napapasok nilang mga "venture" para lang matulungan si itay mapakain ang buong pamilya.
Ang ating mga ina, kasama ng ating itay, ang naging kasama sila natin sila mula sa simula. Walang tigil na pag-aaruga ang ibinigay nila noong tayo'y bata pa lamang hanggang ngayong mayroong mga sariling kotse, love life at kung anu-ano pa. Sila ang mga nagsilbing guro nang tayo'y di pa tayo pumapasok sa paaralan. Siya ang nagbibigay ng lambing sa atin kapag wala si itay o kapag tayo'y malungkot. Sila ang ilaw ng ating tahanan.
Andiyan lang sila kapag may problema ka't di ka nila iiwan. Kahit minsan siya yung rason kung ba't ka may pinoproblema, hindi naman ibig sabihing di ka na niya na mahal diba? Siguro hindi lang nagkakaroon ng pagkakaintindihan. Pero kahit anong mangyari, hindi mawawala ang pagmamahal ng isang nanay sa kanilang anak.
Kahit minsan ay parati ka nilang hinahadlangang gumawa ng mga bagay, di rin ibig sabihing hindi ka niya mahal. Siguro ganoon lang ang nangyayari kasi ayaw ka niyang masaktan. Ewan ko kung tama nga yun, pero sa tingin ko ganoon yun. At saka, kahit madalas kang nasisigawan, di naman rin ibig sabihing galit sila. Kung gaano kalakas yung pagsigaw niya sayo, ganoon din kagrabe ang pagmamahal niya sa iyo.
Basta, they're great.
Happy Mother's Day everybody. :)
|