Saturday, March 31, 2007
Malayo Ba Ang London?
pondered last 11:07 PM
I was going to post something about wishes, but maybe people who visited Lala's blog would say that I don't have originality or something. I'll just post a story.
Natutuwa ako... nakikinig ako ng Magbalik ng Callalily nung ginawa ko 'to. Sensya kung di maganda. I'm not a really good writer.
"Malayo Ba Ang London?"
Tanda ko pa nung bata ako, si Louise parati yung kalaro ko. Di mo kami mapaghihiwalay. Parang, kahit linalaro niya yung mga manikang Barbie niya pagkatapos ako naman eh yung mga robot na Transformers, wala. Nagkakasundo pa rin kami. Minsan nga naglalaro kami... mag-asawa daw si Optimus Prime pati si Barbie eh tapos anak nila si Ken. Naglalaro rin kami sa ilog noon. Nagbabasaan kami parati. Tapos minsan nanghuhuli kami ng mga pagong tapos papakawalan rin namin. Ang saya naming dalawa noon...
Sino si Louise? Matalik na kaibigan ko yun nung bata pa ako. Magkasing-edad kami nun... nung naging matalik kaming magkaibigan, mga walong taong gulang pa lang kami. Mayaman yun. Di nga ako makapaniwalang nakatira sa bayan na punong-puno ng mga tulad naming di ganun kaswerte pag dating sa pera. Sa totoo lang, yung mga magulang ko nagtatrabaho para sa mga magulang niya. Mabait siya. Gandang-ganda rin ako sa kanya. Matulungin din yun. Tinutulungan rin niya kami sa mga gawain namin minsan. Tahimik rin siya. Kaya madalas siyang inaasar ng mga ibang nakatira sa amin na mga bata.
Crush ko dati yun eh.
May isang araw noon. Naisipan naming magbalsa sa ilog pagkatapos pupunta kami doon sa talon para maligo. Naisip kong yun na siguro yung pagkakataon para sabihin ko sa kanyang crush ko siya. Kinuha ko na yung balsa sa may tabi ng ilog at pagkatapos ay hinatak naming dalawa papunta sa tubig. Binuhat ko siya papasok kasi sabi ni kuya yun daw yung ginagawa ng mga lalaki sa babae kapag may tubig... bubuhatin para hindi mabasa. Ano ba yun? Gentlemens ba yung tawag sa lalaki kapag ganun? Ewan ko ba.
Habang kami'y patungo sa talon, tinanong niya ako kung ano ba raw yung talon. Di pa raw kasi siya nakakakita nun. Sabi ko sa kanya maghintay na lang siya. Surpresa ko na lang sa kanya yun. Naririnig na namin yung pagbuhos ng tubig. Sa sobrang pagkasabik ni Louise, tumayo siya kaya biglang tumaob yung balsa. Nahulog kami, siyempre. Eh hindi pa naman siya marunong lumangoy. Sinagip ko siya pagkatapos inakyat ko sa balsa. Aba'y niyakap ba ako bigla. Napatulala na lang ako sa paligid ko nun.
Nakita niya bigla yung talon. Sa sobrang tuwa niya, natulak niya ko. Kaya hinatak ko siya pababa. Tapos nagbasaan kami't naglaro. Ang saya nga eh, para bang yung mga makikita mo sa mga sinehan. Ang sarap namin tignan.
Palubog na yung araw nang natapos kaming maligo. Naisip kong oras nang sabihin sa kanya. Nagsasalita siya ng mga bagay-bagay na mahahanap sa... ano ba yun? London ata. Bigla kong sinabing... "Louise, gusto kita." Natahimik yung paligid nang ilang segundo. Tapos sinira ko yung katahimikan. Tinanong ko kung gusto niya rin ako. "...Oo." Hinalikan niya ako bigla sa pisngi. Grabe, pulang-pula yung buong mukha ko noon. Ngumiti ako, pero sumimangot siya. Napaluha siya. Sabi niya bigla... "Pupunta ako ng London." "Malayo ba ang London?", sabi ko. "Oo."
Hinatid ko na lang siya pabalik sa bahay nila. Kinabukasan, marami akong nakitang trak paalis ng bahay nila. Tinanong ko yung mga kaibigan kong nakatayo sa tapat ng bahay nila. Sabi nila umalis na raw sina Louise. Tumakbo ako papunta sa may ilog, kinuha ko yung balsa't pumunta sa may talon. Naligo ako sa ilalim ng nahuhulog na tubig, iniisip na baka hindi mapansin ng kahit sino na umiiyak ako kahit wala namang nakakakita sa akin. Malay ko ba...
Hanggang ngayon na ako ay labinglimang taong gulang na ay hinihintay ko ang pagbalik ni Louise. Kung hindi lang malayo ang London...
|