Tuesday, January 29, 2008

0-(>_<)-0
pondered last 5:50 PM

If you don't get the title, then do this. Do that pointing position with your two hands and then stick 'em in your ears. Yes, you're covering your ears.

Listening can do lots of things to a person's head. At times, it could be boring. It could also be entertaining. And sometimes, it could also be relieving. The said act can be seen everyday and everywhere. You see people listening to their parents, their bosses, their teachers, their friends, and a whole lot more.

Speaking of people, this is one of the many important things that are needed to build or strengthen relationships with other people. If you do not listen, you don't really have communication. Without communication, your relationship will easily be shattered. You'll learn a lot from listening to what others have to say, too. That way, not only will your connection with those people get stronger, but you'll get stronger inside as well. To think that one simple act can do lots to everybody.

Sometimes when we listen, we let the words that are coming in to our ears go out through our nose or wherever. Or sometimes, after listening to someone or something, we erase those thoughts from our head, similar to those bulk-folder-whatever-thingamajigs. We can't blame ourselves for doing these things. We're not perfect, after all. But still, we must try our best to lend our ears. Who knows, maybe you'll miss those lucky lotto numbers if you're not careful.

Patience is essential for this task. Without it, you'll definitely become roadkill. Listening involves absorbing every single word, phrase, sentence, or whatever. And if you don't have patience, you'll definitely think that it won't be worth giving time to because you'd rather do something else. If other people do it for you, why won't you do it for them, right?

Listening isn't something that you can learn in one day. It takes time to master... a reeeeeeeaaaally long time, I guess. But if it's for the benefit of everybody who needs it and, of course, yourself, I think it's worth it.






Permalink ::

Monday, November 5, 2007

Welcome to the Bright Side
pondered last 8:52 PM

I wonder why some people feel negative all the time (hah, as if I wasn't like this before) when it feels so great to have a positive outlook in life. I guess people have their own persectives. But why not look at the bright side of life?

I dunno, maybe I'm still a noob when it comes to being an optimist. But I learned a lot from that short period of time. I wanted to change my emo ways and be more of an optimist like most of the people I know. Maybe by doing that, I can be a better person not only to myself, but also to everybody else. Eh, enough about me. Let's talk general.

The dictionary says that the word "optimist" means "a person who has a positive outlook on life". It depends on how they think about stuff inside their thoughts and how they express it outside. They also know how to enjoy life and how to keep that smile on their faces in tact. And, like the dictionary says, they always try to be positive whatever situation they're facing.

Based on my observation, I think optimists own.(xD) First of all, people who carry the optimism gene don't really have to worry about carrying the world on their shoulders. Heck, they might be able to lift it with their pinky finger. Second, whenever somebody's down, they won't hesitate to help and give him or her a smile. And lastly, they are another one of those factors that make our world a much happier place to live in.



"Welcome to the bright side, my child," some random cloaked guy said to me.

I replied with a frown, "Uhh... WTF?"

"No, no, no. We must not use those kinds of words here. ...Well, you can, but say it with a freakin' smile on your face, damn it."

"WTF?:D There. Happy?"





Permalink ::

Sunday, November 4, 2007

High School Night Drama
pondered last 4:17 PM

Bagong layout, bagong layout. Marunong na ko magflash.:P Salamat nga pala sa mga nasa creds.

HS Night thought.

Premiere post ng bagong LO...



As the moon crept closer and closer to the middle of the sky and as the clouds began to block its beautiful, bright light, the mood of the festivity became a lot more mellow. People began to scatter and look for their special partner as the first love song played. Couples were made and unfolded. The innocent awoke, introduced to the mistress called Love. People who were alone stayed alone until someone would knock into their door and request for a dance. There were some, however, that were left at the side of the dancefloor, destined to dance with their own shadow.

The dancefloor was filled with love, passion, emotion, and bliss. On the other hand, sadness and jealousy filled the chairs and tables around it. There was one certain person who had danced his heart out one time, but had to sit down and be lonely again. It's not because he's to shy too ask the person he wants to dance with, but it's because the person he wants to dance with wasn't within his reach.

Jealousy overshadowed him. Questions like "How'd they get so lucky?" filled his mind. He thought his night was ruined. But thankfully, a friend of his came to his rescue. He was told that he need not worry because by the time that they were done dancing, you'll get your turn.

It started to rain. He looked to the horizon and saw a lamp post and a moth trying to fly to the light. The poor little creature was hit by raindrop after raindrop after raindrop, and yet, he still flew and made it to the lamp. The lonely lad then realized that no matter what obstacles he would have to face, he'd persevere just to be with the one he loves.

When he got home, he was surprised to see that she was calling him. After a rough night, he got to be with the one in his eyes.





Permalink ::

Monday, September 10, 2007

Bumigay na ang tali, sumabog na ang bulkan, nabasag na ang pula.
pondered last 6:05 PM

Kuminang ng kulay ginto ang araw. Kahit pababa na ito, patuloy parin siyang nagbibigay ng kanyang maaliwalas na kislap para lang magkaroon tayo ng gabay sa ating mga pinatutunguhan. Habang nakatitig ako sa kalangitan, may naalala akong gawin na bagong post.

Habang unti-unti nang lumulubog ang araw, mas lalo kong naalala ang mga panloloko, mga parinig at mga birong umaabot na sa punto ng panlalait na nakukuha ko dahil sa isang matalik na kaibigan. Sinasabi nilang nagbago na ako dahil sa taong iyon. Naging mas makulit, iresponsable, maingay at paminsan-minsa'y insensitibo't masama raw ako. Kinakasuhan ako bilang isang magnanakaw. Ninanakaw ko raw ang kinaliligayahan ng iba para sa sarili kong ikakabuti. Lahat ng galaw ko'y mukhang binabantayan na ng mga taong may tinatagong puot sa akin. Kasalanan ko raw lahat. Kaya eto, para makalimutan lahat yan, uminom muna ako... ng iced tea. Pero wala, andun pa rin. Aba, ngayon lang nangyari 'to.

...Ewan, siguro nabibigla lang ako sa sobrang kasiyahan kaya ko nagagawa ang mga iyon.

Magalit na ang mga gustong magalit, basta magsasalita ako.

Hindi naman maiiwasang magkaroon ng mga pagkakamali ang isang tao. Ganoon tayo ginawa ng ating Diyos Ama. Mawawalan tayo ng kwenta kung puro tama na lang ang mga lumalabas sa ating mga kilos at salita. Patawad kung ako ay may ginawa mang kalokohan. Dulot lang siguro 'to ng lubos na kaligayahan.

Dahil nabanggit sa usapan ang kaligayahan, natatandaan ko na hindi rin pala ako ganoon kaligaya dati. Maraming nakakaalam noon. Kung kailan nakilala ko na yung taong hihilom ng mga sugat na nakuha ko sa mga taong iyon, saka na lang magsusulputan itong mga nakakunat na mga noo't nakatitig sa akin.

Kasalanan na ba sa akin ang pagngiti nang tunay? Hindi na ako "nagpapakaplastik".

Oo nga pala. Hindi ako isang magnanakaw. Sige, makapal mukha ko. Pero hindi naman talaga e. Nananahimik na nga lang akong namumuhay. Pero hindi, kailangan talagang parati na lang akong dapat sisihin kapag may nangyayaring mali. Hindi ako manhid, nasasaktan ako. Wala akong kinukuha sa kahit kanino. Sinasabayan ko lang ang takbo ng buhay.

Hindi ko na rin alam kung saan tutungo itong post na ito. Basta...


...awatan niyo na kami.





Permalink ::

Saturday, August 25, 2007

Nang Itaas Niya Ang Kanyang Kamay
pondered last 10:49 AM

Ito ang aking entry para sa Filipina Writing Project. Kahit 'di ako babae, may masasabi pa rin ako tungkol sa mga babae.

Lahat ng mga nangyari dito ay kathang-isip lamang. Kung ako ma'y makasakit, ngayon pa lang ay nagpapatawad na ako.


"Nang Itaas Niya Ang Kanyang Kamay"


Sa isang madilim na eskinita sa puso ng Maynila, may isang dalagang nababalutan ng liwanag. Napakaganda niya mula sa kanyang mala-anghel na mukha hanggang sa kanyang mga munting paa. Sino bang hindi makakapansin sa kanya, diba? Pero ang malungkot doon, ayun na nga... Walang masyadong lumilingon sa kanya.

Parati na lang siyang naaapi't nakakalimutan.

Iniisip siguro ng iba na mas maraming magaling sa kanya kaya hindi siya karapat-dapat na bigyan ng oras para masilayan man lang ang kanyang mukha. Baka rin nama'y minamaliit lang nila ang mga kakayahan niya kaya hindi raw dapat nila sinasayang ang oras nila sa kanya. Hindi ba't napakalungkot ng kanyang hinaharap? At ang masama rito, on a daily basis pa niya ito dinaranas.

Isang araw habang ang dalaga'y nakaupo't nakatitig sa kawalan, may lumapit sa kanyang kapwa-babae. Nagulat siya. Ito ang unang pagkakataong may pumansin sa kanya.

"Bakit ka nariyan?" sabi ng istranghero, "Halika, tumayo ka." Sabay niyang inabot ang kanyang kanang kamay sa dalaga't tinayo siya. Ang munting binibini ay namangha sa babaeng tumulong sa kanya. Hindi niya alam na ganito pala ang mga kababaihan ngayon. Binuksan ng istranghero ang kanyang bibig at nagsalita.

"Alam mo, tayong mga kababaihan ay pare-pareho lang. Minsa'y hindi nakikita ng iba ang mga kakayahan at ang kagandahan natin. Pero kahit ganoon, alam naman natin sa sarili natin na magagaling tayo't kayang nating maging kilala at karespe-respeto basta gusto't pinagsisikapan natin."

Tumahimik ang babae habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. Pinakikinggan nila ang mga tunog ng pagratsada ng mga jeepney at ang pagsigaw ng mga tao sa kanilang paligid.

"Balot! Balot!"

"Walang hiya kang hinayupak ka!"

"Mahal mo ba talaga ako?"

"Nay, natanggap ko na ang Visa ko!"

"Mare, kamusta na?"

Bumuka nanaman ang mga labi ng estranghero, hinawakan ang malambot na mga kamay ng dalaga't nagsalita. "Hayaan mo, kapag inaway ka ng isa man o ng dalawang kung sino man, haharapin NATIN sila. We women have each other's backs, kaya wala kang kailangang alalahanin kapag may gustong makipag-away sayo." Pagkatapos nito'y lumakad siya papunta sa dagat ng mga di-kilalang mukha.

Nagkaroon siya ng ngiti sa kanyang mukha at lumabas mula sa madilim at malamig na eskinita. Pero hindi nagtagal at nawala rin ito dahil tinulak siya ng isang malaki't nakakatakot na lalaki. Tumigil ang lahat ng tao na nakapalibot sa kanila.

"Ano ba?!" wika ng lalaki, "Ang tanga-tanga mo naman! 'Di ka tumitingin sa dinadaanan mo! Hah, wala na bang matinong Pilipina ngayon?"

Nakakunat na ang noo ng dalaga noon. Oras na para marinig ang tinig niya't lumaban.

Itinaas niya ang kanyang kamay at sinabing "Ako. Pilipina ako."

"Ako rin!" sigaw pa ng isang babae. Hindi nagtagal at isa-isa nang sumigaw ng "ako rin" ang mga kababaihan sa paligid. Hindi na siguro kinaya ng lalaki kaya tumakbo siya pabalik sa kanyang pinanggalingan. Bumalik sa mga normal na gawain ang mga babae.

Nagtanggal ang magandang dalaga ang alikabok na nakuha niya sa pagkahulog niya't sumama sa mga taong naglalakad at tumungo siya sa direksyon ng araw, ang kanyang kinabukasan.





Permalink ::

Wednesday, August 22, 2007

pugad - matalik na kaibigan
pondered last 8:46 PM

Nagpagawa siya ng post. Gusto ko siyang gawan ng post. Ipapamahagi ko sa mundo ang kaanuhan niya.

...err, di naman siguro sa buong mundo. Kung sino lang ang babasa nito.:P

Siya na siguro ang pinakamatalik sa mga pinakamatalik kong mga kaibigan ngayon. Para sayo 'to tol.:)





May nakita akong bagong estudyante noong ako'y nasa ikaunang taon sa mataas na paaralan pa lamang. Kayumanggi ang kulay, kasingpayat ng sanga ng puno (siguro 'di naman ganoon kapayat.:P) at mukhang siga. Oo, akala ko talaga dati siga yung loko-lokong yun. Nagkasundo kami niyan noong unang tatlong araw ng pasukan. Di nagtagal, nakahanap na ng tropa niya. Hinayaan ko na siya dun. Bahala siya. Nang lumipas ang isang taon, doon ako naging mas malapit sa kanya. Tuloy-tuloy na yun hanggang sa umabot sa ganito.

Marami na kaming pinagdaanan niyang kaibigang kong yan. Mula sa pagtutulungan sa mga pinapagawa sa eskwelahan hanggang sa pagtutulungan sa mga problemang personal, walang iwanan sa aming dalawa. 'Di lang yun. Marunong rin naman kami magsaya diba. Kung anu-anong kalokohan ang pinapasok naming dalawa. Kahit mapagalitan, basta magkasama't masaya, ayos lang.

Wala akong matandaang panahon na nag-away kami nito. Mahaba siguro ang pasensya niya sa akin kahit na napakakulit ko't lahat-lahat. Naiintindihan niya ko mula sa labas hanggang sa loob. Ganyan ang tunay na kaibigan. Tanggap ka pa rin bilang isang mabuting nilalang kahit na may mga mali na bagay sa iyo.

Natandaan ko lang... Inaasar namin 'to dati ng kaklase ko na may pugad siya sa ulo dahil dun sa buhok niya. Natatak lalo yung pangalan niya sa isip ko dahil dun. Para kapag may nakalimutan akong tungkol sa kanya, sasabihin ko lang na "Ay ganito si pugad sa ulo't airport ng mga langaw." Hindi ko na talaga makakalimutan 'tong 'may-liparan-ng-langaw-sa-ulo' na 'to.

Kahit gaano kahirap ang buhay, sinasamahan niya ko't sinasamahan ko siya... sa bawa't ngiti't simangot... walang iwanan...

Mga magbabasa, gusto ko lang sanang ipakilala ang isa sa mga taong tumulong para maging ganito ako ngayon... ang napakatalik kong kaibigan... si Andre Lorenz Bugas.





Permalink ::

Monday, August 20, 2007

Kapag Kumagat Ang Laman ng Pitaka
pondered last 3:01 PM

Walang taong hindi pamilyar sa salitang pera. Maging bata ka man o matanda, nasa bokabularyo na natin yan. Paano ba naman, araw-araw nating kailangan nito. Tignan mo, panligo natin, kailangan na ng pera. Bago tayo makakain ng masarap na chicken galing sa isang sikat na kainan na may higanteng pulang bubuyog, kailangan muna maglabas ng pera. Bago tayo makatulog sa isang kwarto na halos kasinglamig ng sinehan sa SM, kailangan muna maglabas ng pera.

Pera, pera, pera.

Ang pera ay ginawa raw para maging sistemado ang pagpapalit ng mga produkto. Para ito sa pagmamanipula ng mga yaman. Para ito sa--blablablablablabla... Ganun nga siguro kaimportante ang pera 'no. Kung wala siguro nun, sasabong na yung pinakaloob ng mundo natin kasi sa sobrang pagkuha mula sa mga gubat at kung saan, magalit ang ating nanay kalikasan.

May mga oras nga lang na napapasok na ng mga barya't papel na yan ang mga utak natin. Bakit hindi, diba? Kung kaya nga naman ng mga 'to na ibigay sayo lahat ng kailangan mo para mabuhay, ba't hindi? May parte rin naman ng isip natin na humahanap ng kaligayahan at lahat yun.

Marami ngayon ang nag-aaway dahil sa mga pocket-size na mga halimaw na yan. Merong mga baon sa utang sa kakalista sa tindahan, mga nag-aaway na pamilyang mapalad at hindi, nakawan ng pitaka at napakarami pang mga sitwasyon. Dito siguro pumapasok yung pagiging makasarili ng mga tao. Di naman maiiwasan yun eh, lalo na kung tungkol yun sa mga kakailanganin mo sa buhay mo. Pera nga naman e 'no, kung anu-ano ang nagagawa sa mga utak ng mga tao.

Ayoko naman maging bias 'no. Nagmukha naman akong may galit sa pera. Basta alam ko, kundi gulo ang dinadala ng pera sa mga relasyon ng tao sa isa't isa, pagkakaisa ang naibibigay nito lalo na't kung ipinapamahagi mo yung pera mo sa mga nangangailangan. Nakatulong ka na nga, napalakas pa lalo ang samahan niyo, diba?

Kung ako ang tatanungin, ayos lang naman sakin lahat 'to e. Ayoko lang nang nagkakagulo dahil dito. Nakakalungkot kaya, diba?

Kapag kumagat nga naman ang mga laman ng pitaka natin eh 'no...






Permalink ::

- March 2007
- May 2007
- August 2007
- September 2007
- November 2007
- January 2008
- the current posts



- Lala
- Rowen
- Alyanna
- Macha
- April
- Memesh
- Muryelle
- Mark
- Francine
- Moshi
- Joshua
- Mara
- Christine Casio
- Christine Crisologo
- 'te Glenda
- Fiona
- Rizza
- Mr. Talksmart
- Ituloy Angsulong
- XYRYZ
- Coy
- Yatot
- Ate Ko
- Vin
- Kellecker
- Janette Toral
- Elay