Monday, September 10, 2007
Bumigay na ang tali, sumabog na ang bulkan, nabasag na ang pula.
pondered last 6:05 PM
Kuminang ng kulay ginto ang araw. Kahit pababa na ito, patuloy parin siyang nagbibigay ng kanyang maaliwalas na kislap para lang magkaroon tayo ng gabay sa ating mga pinatutunguhan. Habang nakatitig ako sa kalangitan, may naalala akong gawin na bagong post.
Habang unti-unti nang lumulubog ang araw, mas lalo kong naalala ang mga panloloko, mga parinig at mga birong umaabot na sa punto ng panlalait na nakukuha ko dahil sa isang matalik na kaibigan. Sinasabi nilang nagbago na ako dahil sa taong iyon. Naging mas makulit, iresponsable, maingay at paminsan-minsa'y insensitibo't masama raw ako. Kinakasuhan ako bilang isang magnanakaw. Ninanakaw ko raw ang kinaliligayahan ng iba para sa sarili kong ikakabuti. Lahat ng galaw ko'y mukhang binabantayan na ng mga taong may tinatagong puot sa akin. Kasalanan ko raw lahat. Kaya eto, para makalimutan lahat yan, uminom muna ako... ng iced tea. Pero wala, andun pa rin. Aba, ngayon lang nangyari 'to.
...Ewan, siguro nabibigla lang ako sa sobrang kasiyahan kaya ko nagagawa ang mga iyon.
Magalit na ang mga gustong magalit, basta magsasalita ako.
Hindi naman maiiwasang magkaroon ng mga pagkakamali ang isang tao. Ganoon tayo ginawa ng ating Diyos Ama. Mawawalan tayo ng kwenta kung puro tama na lang ang mga lumalabas sa ating mga kilos at salita. Patawad kung ako ay may ginawa mang kalokohan. Dulot lang siguro 'to ng lubos na kaligayahan.
Dahil nabanggit sa usapan ang kaligayahan, natatandaan ko na hindi rin pala ako ganoon kaligaya dati. Maraming nakakaalam noon. Kung kailan nakilala ko na yung taong hihilom ng mga sugat na nakuha ko sa mga taong iyon, saka na lang magsusulputan itong mga nakakunat na mga noo't nakatitig sa akin.
Kasalanan na ba sa akin ang pagngiti nang tunay? Hindi na ako "nagpapakaplastik".
Oo nga pala. Hindi ako isang magnanakaw. Sige, makapal mukha ko. Pero hindi naman talaga e. Nananahimik na nga lang akong namumuhay. Pero hindi, kailangan talagang parati na lang akong dapat sisihin kapag may nangyayaring mali. Hindi ako manhid, nasasaktan ako. Wala akong kinukuha sa kahit kanino. Sinasabayan ko lang ang takbo ng buhay.
Hindi ko na rin alam kung saan tutungo itong post na ito. Basta...
...awatan niyo na kami.
|