Saturday, March 31, 2007
Malayo Ba Ang London?
pondered last 11:07 PM
I was going to post something about wishes, but maybe people who visited Lala's blog would say that I don't have originality or something. I'll just post a story.
Natutuwa ako... nakikinig ako ng Magbalik ng Callalily nung ginawa ko 'to. Sensya kung di maganda. I'm not a really good writer.
"Malayo Ba Ang London?"
Tanda ko pa nung bata ako, si Louise parati yung kalaro ko. Di mo kami mapaghihiwalay. Parang, kahit linalaro niya yung mga manikang Barbie niya pagkatapos ako naman eh yung mga robot na Transformers, wala. Nagkakasundo pa rin kami. Minsan nga naglalaro kami... mag-asawa daw si Optimus Prime pati si Barbie eh tapos anak nila si Ken. Naglalaro rin kami sa ilog noon. Nagbabasaan kami parati. Tapos minsan nanghuhuli kami ng mga pagong tapos papakawalan rin namin. Ang saya naming dalawa noon...
Sino si Louise? Matalik na kaibigan ko yun nung bata pa ako. Magkasing-edad kami nun... nung naging matalik kaming magkaibigan, mga walong taong gulang pa lang kami. Mayaman yun. Di nga ako makapaniwalang nakatira sa bayan na punong-puno ng mga tulad naming di ganun kaswerte pag dating sa pera. Sa totoo lang, yung mga magulang ko nagtatrabaho para sa mga magulang niya. Mabait siya. Gandang-ganda rin ako sa kanya. Matulungin din yun. Tinutulungan rin niya kami sa mga gawain namin minsan. Tahimik rin siya. Kaya madalas siyang inaasar ng mga ibang nakatira sa amin na mga bata.
Crush ko dati yun eh.
May isang araw noon. Naisipan naming magbalsa sa ilog pagkatapos pupunta kami doon sa talon para maligo. Naisip kong yun na siguro yung pagkakataon para sabihin ko sa kanyang crush ko siya. Kinuha ko na yung balsa sa may tabi ng ilog at pagkatapos ay hinatak naming dalawa papunta sa tubig. Binuhat ko siya papasok kasi sabi ni kuya yun daw yung ginagawa ng mga lalaki sa babae kapag may tubig... bubuhatin para hindi mabasa. Ano ba yun? Gentlemens ba yung tawag sa lalaki kapag ganun? Ewan ko ba.
Habang kami'y patungo sa talon, tinanong niya ako kung ano ba raw yung talon. Di pa raw kasi siya nakakakita nun. Sabi ko sa kanya maghintay na lang siya. Surpresa ko na lang sa kanya yun. Naririnig na namin yung pagbuhos ng tubig. Sa sobrang pagkasabik ni Louise, tumayo siya kaya biglang tumaob yung balsa. Nahulog kami, siyempre. Eh hindi pa naman siya marunong lumangoy. Sinagip ko siya pagkatapos inakyat ko sa balsa. Aba'y niyakap ba ako bigla. Napatulala na lang ako sa paligid ko nun.
Nakita niya bigla yung talon. Sa sobrang tuwa niya, natulak niya ko. Kaya hinatak ko siya pababa. Tapos nagbasaan kami't naglaro. Ang saya nga eh, para bang yung mga makikita mo sa mga sinehan. Ang sarap namin tignan.
Palubog na yung araw nang natapos kaming maligo. Naisip kong oras nang sabihin sa kanya. Nagsasalita siya ng mga bagay-bagay na mahahanap sa... ano ba yun? London ata. Bigla kong sinabing... "Louise, gusto kita." Natahimik yung paligid nang ilang segundo. Tapos sinira ko yung katahimikan. Tinanong ko kung gusto niya rin ako. "...Oo." Hinalikan niya ako bigla sa pisngi. Grabe, pulang-pula yung buong mukha ko noon. Ngumiti ako, pero sumimangot siya. Napaluha siya. Sabi niya bigla... "Pupunta ako ng London." "Malayo ba ang London?", sabi ko. "Oo."
Hinatid ko na lang siya pabalik sa bahay nila. Kinabukasan, marami akong nakitang trak paalis ng bahay nila. Tinanong ko yung mga kaibigan kong nakatayo sa tapat ng bahay nila. Sabi nila umalis na raw sina Louise. Tumakbo ako papunta sa may ilog, kinuha ko yung balsa't pumunta sa may talon. Naligo ako sa ilalim ng nahuhulog na tubig, iniisip na baka hindi mapansin ng kahit sino na umiiyak ako kahit wala namang nakakakita sa akin. Malay ko ba...
Hanggang ngayon na ako ay labinglimang taong gulang na ay hinihintay ko ang pagbalik ni Louise. Kung hindi lang malayo ang London...
|
internet sucks. >__<
pondered last 6:38 PM
...well, not really. Yung internet ko lang.
Sure, internet lets me surf the web, chat, play internet games, and all that, but our internet just sucks.XD Tignan mo nga naman, may isang period everyday na every five minutes nagdidisconnect. Mas malala dun, minsan wala pa ngang one minute na reconnection magdidisconnect pa rin. Hahaha...
Ilang beses ko na tinatawag sa -internet provider namin- yung issue. Sasabihin nila, "irereset po namin yang connection niyo-" blahblahblah. Minsan gumagana. Tapos mamaya-maya na lang biglang magdi-DC fest nanaman.
Yes, DC fest. Ewan ko kung nabuo na 'tong term na 'to. Basta eto tawag ko sa period kung saan punong-puno ng disconnections yung pag-i-internet ko. Hahaha... ^_^
Anyways, minsan naman sasabihin nila i-check ko raw yung linya namin dito. Aba'y ok na ok naman. But nooooo... magdi-DC fest pa rin. Yung router na siguro yung problema.
Kaya kanina, nang ako'y banas na banas na sa apat na oras na DC fest, sinuntok ko ang aming router at ito'y kumalas. Pero hindi naman to the point na may nabali-bali na. Since maluwag yung screws, natanggal yung "shell" niya. Mabuti na lang walang nakakita. Hahaha... Kasi naman, ang init-init na nga, may kausap pa ko sa Y!IM, nakakita nanaman ako ng <:3 )~ tapos magdi-DC fest pa nang ubod nang tagal. Aba'y nung pagkatapos ko siya sinuntok, umawat a. Effective!
Hah, lesson learned. Banatan niyo lang ang mga router/modem niyo kapag nagdi-DC fest. Sige, mamaya ulit. Ginaganahan pa ko magpost eh.^_^
|
first formal post.XD -- The Power of the Heart and Mind
pondered last 4:48 PM
I did this for my English subject before. I haven't got a clue on what to post, so I'm just gonna post this. Hope you like it.
“The Power of the Heart and Mind” These two are responsible for making decisions for us, may it be an academic question, a guess, or a decision. They’re like twins, they have a lot of similarities. They make a great team, though they do have their differences. One says this, but then the other sometimes contradicts. The two aren’t exactly living things, but for me, they’re a manifestation of what we use to make decisions with. These are the heart and the mind. As a team, they are a great help. They can tell us what to wear, eat, or drink because both of them know what we like and what we don’t. They can help us with what to say, what to write, what to type, etc. They can also tell black from white, has/have from had, dirty from clean (most of the time), or doctor-prescribed drugs from illegal drugs. The downside is, if one is missing, the other won’t work really well. That goes for both of them. Still, they really make a great team.
Earlier, I said that they have their differences. Heck, everybody does. Still, that’s not the point. Though they’re a lot more alike than twins, they still have their opposites. For example, the heart does the thinking and the mind translates what the heart wants to say so that it won’t be so complicated. Without the mind, the things that the heart would want to say will be gibberish. And without the heart, who knows what the mind would say? Also, the heart would also tell you what to do based on your feelings, while the mind would tell you what to do based on equations, hypotheses, things that are explainable by science, or logic. So eventually, they would fight because they would give different answers. They would also fight about their positions in your body. Because the heart is in your chest and the mind is in your head, the heart would always complain and try to beat up the mind. Fortunately, they can’t punch each other because they’re both attached to your other internal organs.
Though they don’t get along well, they still make a good team. They not only help others, but they also help their owners, us. And with their powers, they help write our story, our life.
|
Wednesday, March 21, 2007
i'm back.
pondered last 5:59 PM
Hah, (pansamantalang) bumabalik sa mundo ng blogging. Mamaya na yung matinong post.
TESTING.
|